Yvan, Our Living Testimony of Miracle

7 years had passed and the memories still lingers. I will never forget those days of too much pain, struggles and we are all fighting for his life. We just can’t thank our Lord enough for having children not just one but three lovely angels brought here in this world.

April 12, 2012 at 10:42 pm Yvan was born prematurely and immediately rushed to the nearest hospital. I was not aware of what is the situation during this time. I am sedated yet I knew there was something wrong because it felt just so different at the time I am giving birth to our baby boy. Nobody was telling me exactly what is happening. I am scared and crying for the thing I am not yet sure of. After 24 hours, I got a message from the hospital, “Mrs. Calimlim, we are sorry to tell you that Yvan is not doing well, hindi po siya makahinga ng maayos due to hindi nadevelop ang kanyang baga since he was born prematurely. We hope na makasurvive po siya.” I will never forget this message.

Immediately, against medical advice I rushed to the hospital and habol ko ang oras na baka hindi ko na makita pa si Yvan. I am bleeding too much while nasa biyahe ako and I was crying on my way.

My poor boy, Yvan is suffering. He was diagnosed to have different medical conditions; I can only recall sepsis and respiratory infections which he needs to be breathing with the use of mechanical ventilator. Andami pang pinagdaananan na hirap kasama na diyan na walang equipments and medicines which costs P30,000 per vial. That time, we used all our savings in a snap na nawala lahat and kulang parin.

My heart is breaking and crying

After 2 months, it is also against medical advice, we decided to bring Yvan home. Thinking na, if God will not let Yvan survive this battle, anytime soon kukuhanin niya na si Yvan sa amin. Hindi kami binigo ni Lord.

June 2012 – Yvan was finally home. 24/7 naka oxygen siya. Nang marinig niya ang mga tawanan ng kanyang 2 kapatid, unti unti nakakakita ng liwanag sa kanyang mukha at these helps na makarecover siya ng bahagya. Kuya Yuri and Ate Yana always make Yvan smile everyday. Wala mang sound ang tawa ni Yvan that time, kita mo sa kanya na masaya siya.

He was diagnosed with Broncho Pulmonary Dysplasia, “Bronchopulmonary dysplasia (BPD) is a form of chronic lung disease that affects newborns (mostly premature) and infants. It results from damage to the lungs caused by mechanical ventilation (respirator) and long-term use of oxygen. Most infants recover from BPD, but some may have long-term breathing difficulty.”

Those years had passed anak, many had witnessed how you suffer and fight your battle against your condition. Thank you for not giving up and higit sa lahat hindi mo kami iniwan. Everyday, I am crying and praying na maging okay na ang lahat. Maaring sinasabi ng iba na sobra na hirap ng pinagdadaaanan mo na baka kailangan ko na sumuko para hindi kana mahirapan. You are a fighter anak kaya ilalaban kita sa kahit na anong paraan na kaya ko o namin ng daddy mo. Sorry if kinailangan mong pagdaananan lahat ng hirap. God has a plan and yun ay ang buyahin ka at makasama ka namin ng matagal. May God give us longer life para makasama pa kita, maalagaan and maging sure ako na pwede na kita iwanan. Lagi ko lang dasal ang iyong full recovery and lumaki kang God fearing child.

At ito ang pinang hahawakan ko since the day you were born anak. We are able to wean his off sa oxygen ng matagal na panahon na. Yet, whenever he is being hospitalized palaging naka abang ang oxygen kasi nababa ang kanyang oxygen saturation.

Yvan’s Challenges:

April 12, 2019, Yvan is now 7 years old

At the age of 3, he was diagnosed with bilateral hearing loss and at this early age, he is using hearing aid na. Yet, he is not mute.

He is 2 years old delayed sa normal na bata with Global Delay Disorder and autism.

His specialist advice, andiyan lang ang BPD niya. Damaged na kasi ang lungs niya, the reason why mahirap siyang tumaba. So far, kahit payat siya I am proud to say na napalakas ko na ang immunity niya kasi matagal narin naman ang gap na nagkakasakit siya and napaka active na bata. And dahil yan kay Lord.

How does Yvan cope and coping?

Whenever may magtatanong sa akin pano at ang galing ng anak ninyo, it doesn’t show na nahihirapan siya and he is surviving. Eto lang palagi ko sagot, we never gave up on him. Faith kay Lord na hindi kailanman ko napagdudahan kung bakit nangyari ito kay Yvan. Naniniwala ako sa himala na ibinigay niya sa aming pamilya. At maraming pagmamahal.

Normal ba siyang nabubuhay?

Yes. Gaya ng ibang bata na mahilig maglaro, I let him explore kung ano meron sa labas ng bahay. Although napakalaking challenge sa amin na hayaan siya on his own na sa takot na makakuha siya ng sakit at dahil madali siya mahawa. We let him enjoy life. Nakakaproud na nasa nursery na siya now. He loves watching videos about Papa Jesus, swimming, mag drawing at magsayaw. Magaling narin ang eye and hand coordination niya. Hindi man siya makapagsalita ng derecho pero ramdam ko kakayanin niya na and magiging maayos ang lahat.

We will always be grateful and thankful sa mga taong tumulong sa amin noon na nasa hospital pa kami. You know all who you are. Palagi kong dasal na God will always shower you more blessings. Good health para sa inyong lahat and happiness.

I hope this story make you believe that there is a miracle. Maniwala lang tayo and ibibigay niya yan sa tamang panahon.

God bless us all.

Mommy Heart

Mommy Heart

Blogger owner behind this blog. Traveller I Customer Service l Freelance Writer l Work at home mom. Blogging is her way of sharing her thoughts, stating forthright, truthful point of views, and her journey with her preemie babies and as a homemaker.
Mommy Heart

One comment

  1. pchi peach says:

    Laban lang mommy yvette, Kaya yan! Habang may buhay may pag asa. Malalampasan nyo din po ito, God is good and nakikita qng napakabuti nyong tao kaya di kayo pababayaan ni lord. Soonest magiging okay din si yvan, As in full recover na In jesus name. Amen! 😊

Leave a Reply