Time flies


Hindi ko na namalayan na one and half a year rin ang nakakalipas ng dumating sa buhay namin si Yuri. Sobrang sarap ng pakiramdam. Ngayon na lang ulit ako nakapagsulat sa kung ano talaga ang nararamdaman ko. Halong takot, saya. Takot na mawala na lang lahat ng saya na nararanasan ko kasi kasama ko bunso ko. Sa totoo lang I have no regrets choosing my son between my career. It would always be Andres na magiging priority ko. I really thank those people who has prayed for me to get pregnant. Thankful din ako sa binigay na Prayer book ni Mama, kasi gabi-gabi yun ang binabasa namin ng asawa, It’s all worth the wait.
Masarap yung pakiramdam na hands-on ka sa magiging anak mo kasi you’ll never miss all milestones sa buhay niya ultimo pagtubo ng teeth niya, pagdapa and all. Naiyak pa nga ako nung narinig kong humahagikgik na bunso ko. Mahirap ang sabi ng ilan pero walang katumbas na kapalit kapag nakayakap na ang bunso ko sakin. Lalo na’t lam kong hinahanap-hanap niya ako sa tabi niya.
Nak, sooner you’ll be able to read this. Lagi mong tatandaan mahal na mahal ka ng Nanay at Tatay! Ikaw ang sagot sa lahat ng dasal ng nanay. Wag mo agad kami iiwan ha.. Andito lang ako lagi sa tabi mo!

I LOVE YOU ANAK!=’)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *